Tinitigan ko siya nang may luha sa aking mga mata. Siya ang aking anak.
Isang marka ang nabuo sa aking kamay—maitim, pangit, at hindi mabubura. Isang sugat ng kawalang-galang. Hanggang ngayon, minsan ko pa rin itong hinahaplos, binabalikan ang sandaling unang itinaas niya ang kanyang kamay laban sa akin. Ang unang pagkakataong ang pagmamahal ay naging karahasan. Nabigo ako bilang isang ina. Nabigo akong ituro sa kanya ang paggalang—sa babae, at sa awtoridad!







Isinasalaysay ng sanaysay na ito ang mabigat na paglalakbay ng isang ina sa pagitan ng sakit, pagsisisi, at pananatiling matatag para sa anak na pansamantalang wala sa kanyang piling. Ang akdang ito ay patunay na ang pag-ibig ay nananatili kahit sa gitna ng kawalan.
This essay was first published in Pacificus: A Literary Magazine under the Binas Publications.









Leave a Reply